huli na lamang masisilayan ang lugar kung saan ang mga kaluluwa at damdamin ay nasadlak sa pagdurusa,
kung saan ang isip ay binabatikos ng mga puna,
at ang iyong katahimikan ay siyang kapalaluan sa iba,
ang sa bawat sandali, ang mga gawi at kilos ay tila ba may mali,
ako ba? o sadyang hangal lang ang iba
sya ba? hindi ako ang huhusga
ngunit padadaig? sapat na. sapat na.
sa pagdadapit hapon ng ngayon at kahapon, oh ang bukas, alam mong ako sayo'y nasasabik
Sa Tinta ng Dugo ng Paghihinagpis
#Bulakenya

No comments:
Post a Comment